Bored.

Bakit kung kailan gustong gumawa. Saka ka walang magawa. Kung kailan naman marami kang gagawin. Ayaw mong may gawin. Bakit?

Walang koneksyon sa mga susunod kong itatype ang naunang mga pangungusap. Gayunpaman, may koneksyon ito sa pamagat ng post kong ito. Oo, tama. Bored ako. At dahil dyan, kahit na walang definit na bagay akong naiisip na itype ay patuloy ako sa pagpindot sa mga letra ng aking keyboard dahil ayaw kong magkaroon ako ng dead air ngayon. Feeling ko andaming nasasayang na oras kapag nakatulala ka. Sa kabilang banda, masarap din namang tumulala. Masarap yung pakiramdam ng kahit minsan ay nabablangko ang isip naten. Nalilimutan ang mga problema, ang trabaho, ang sakit. OK. Mamaya nito nagdadrama na ako. Hindi ko mamamalayang puro problema na naman ang maisusulat ko. Problemado ba akong tao? Bakit ba ikaw na nagbabasa lang naman ang tinatanong ko?

Kung umabot ka sa puntong ito. Maraming salamat. Sa palagay ko may espesyal kang pagtingin sa akin, for short, isa kang stalker. Oh my, kapag nalaman ko kung sino ka ipahuhunting kita. Joke. Pero kidding aside, kung umabot ka sa puntong ito ng pagbabasa, salamat. Di pala ako nag-iisa. Tulad ko, bored ka din. So pwede mo ba akong matulungan sa kung paano ko malalabanan ang boredom na ito? Sa totoo lang marami pa akong trabahong nakabinbin. Pero wala ako sa trip magtrabaho ngayon. Gusto kong may gawin pero ayoko nung nakakapagod o nakakastress. O, diba lumabas din? Yes, nasabi ko na. O hindi ka lang nakikinig? STRESSED AKO. Ang yabang ko pang magsabi sa iba na hindi ako tinatablan ng stress. In denial lang ako actually. Sabi nga sa quote na giniem ko nung isang araw.

“All the waters in the ocean can never sink a ship unless it gets in…” OK di ko na matandaan yung kasunod. At ayoko na rin hanapin pa sa inbox ko. Baka mafrustrate lang ako dahil baka nabura ko na pala.

In denial ako sa stress kasi kapag inisip ko pa yun, baka dumoble ang epekto. Ikaw?? Paano mo nilalabanan ang stress slash boredome slash YOU’RE NOT HAPPY WITH YOUR LIFE THOUGH YOU’RE TRYING TO KEEP UP. Oops, baka may nasaktan sa sinabi ko. Sa mga magulang ko, mag kapatid, sa pinakmamahal kong girlfriend, mga kaibigan at sa iba pang nagmamahal sa akin, wala po kayong kasalanan sa kalungkutan ko. AKO LANG TO. OA lang. Drama lang. O baka nga bored lang talaga. Wala kayong pagkukulang. Yung iba sa inyo sobra pa nga eh. Maraming salamat ah.

Tatlong commercial breaks na ang lumipas. patapos na din ata ang balita. Wala na rin akong masabi. Tama na ito. Sana may nagbasa. BOW.

Magandang gabi. :)

Notes